Slater ikinasal na

February 17, 2019

ANG 31-year-old engineer and businessman at big winner ng Pinoy Big Brother: Unlimited nung 2012 na si Slater Young ay nagpakasal na sa kanyang fiancée na si Kryz Uy last Saturday, February 16 na ginanap sa Shangri-La Resort & Spa in Mactan, Cebu.

Bago naging kasintahan ni Slater si Kryz ay sandaling nagkaroon ng relasyon ang ex-PBB housemate sa award-winning singer-actress na si Rachelle Ann Go  pero ito’y naputol bago pa man umalis si Rachelle Ann patungong London in 2014 para sa West End re-staging ng “Miss Saigon”.

Tinalikuran na rin ni Slater ang kanyang showbiz career to focus on his profession bilang engineer at sa negosyo ng kanilang pamilya in Cebu.

Dumalo ang singer actor na si Sam Milby sa  kasal nina Slater at Kryz.  Isa si Sam sa naging close friend ni Slater in showbiz.