Snooky happy to be ‘bad'

March 18, 2019
Snooky Serna

SNOOKY Serna was last seen in GMA7's “Pamilya Roces” as the sister of Gloria Diaz who turns out to be the mother of Andre Paras. She’s happy to have a follow up show right away, “Sahaya”, where she plays a contravida role as Salida, the mother of Benjamin Alves who doesn’t like Manisan, played by Jasmine Curtis Smith, for her son.

“Scheming 'yung character ko rito,” she says. “Akala mo, mabait, pero mapagkunwari pala. Mapagmahal siya sa anak niya, pero mapaghiganti sa daughter-in-law niya. Ako ang dahilan kaya mahihiwalay si Bianca Umali as Sahaya from her mom, Manisan, who’s later played by Mylene Dizon.

I really have to work hard on my role kasi nakakapanibago. Kasi nung kabataan ko, specially when I was a child star, ako 'yung laging api-apihan, kinakawawa, sinasampal. But now, ako 'yung matapobreng nananakit, nananabunot kaya maiinis talaga sa akin ang viewers. So big challenge for me ito and I welcome it kasi bagay sa age ko now that I’m 52 years old na. E, nung teenager ako, napagdaanan ko na rin 'yang roles ni Bianca Umali at 'yung love team-love team nila ni Miguel Tanfelix.  Multi-faceted ang villain roles, maraming layers, kaya masarap paglaruan sa age ko ngayon.”  When it comes to her personal life, Snooky is very open in her relationship with former Bulacan politician, Ramon Villarama.

“Four years na rin kami. But before we had a relationship, matagal kaming naging magkaibigan, about 28 years. Wala akong masasabi about our relationship. I’m just thankful to the Lord that he came into my life and he’s helping me to be a better person.”

Do they intend to tie the knot someday? “Wala sa plano namin 'yan as of now. Tumigil na rin nga siya sa politics as he’s so busy with his businesses. He owns a school at siya ang chairman. At marami pa siyang ibang negosyo. Also, may mga bagay pa kaming dapat ayusin before we think of marriage.”

How is the relationship of her BF with her two daughters? “Ay, okay na okay sila. Magkakasundo sila. I’m really grateful na we all get along fine, pati ako with his family. There’s no conflict at all, thank God!”