Sofia successful ang prank kay Allen

August 16, 2020
Sofia Pablo and Allen Ansay

NAKABAWI rin ang 'Prima Donnas' star na si Sofia Pablo kay Allen Ansay sa kanilang prank wars. Matatandaang nabiktima siya ni Allen sa nakaraan nilang vlog kung saan nagpanggap siyang may ex-girlfriend sa Bicol.

Hindi pumayag ang teen actress na hindi makaganti kaya naman niloko niya si Allen na kailangan na niyang pumunta sa Singapore dahil sa pandemic.

At para lalong malungkot si Allen, sinabi pa ni Sofia na hindi siya sure kung kailan siya babalik. Siguradong matutuwa na naman ang fans ng Team Jolly sa panibagong vlog na ito sa kanilang YouTube channel.

Samantala, excited na rin ang Kapuso viewers sa pagbabalik ng paborito nilang GMA Afternoon Prime series na 'Prima Donnas' sa TV. Abangan muli ang karakter ni Sofia bilang si Donna Lyn simula ngayong Lunes, August 17, 3:25PM sa GMA.

Samantala, patuloy pa ring napapanood si Sanya bilang Sangg're Danaya sa rerun ng ‘Encantadia' pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.