Sophie naghanap ng kausap habang nasa lockdown

August 21, 2020
Sophie Albert

SA E-Date Mo Si Idol episode noong August 13, nagkuwento ang Kapuso actress na si Sophie Albert ng kanyang mga realization habang naka-community quarantine.

Ayon kay Sophie, nakakapagod umano na wala siyang masyadong kausap sa bahay kaya natutuwa siyang nakilala sa GMA Artist Center virtual date si Nelo.

"I'm so happy kasi nga wala akong kausap na ibang tao so I'm excited to talk to you. I'm excited to learn more about you. To learn more about someone else. Ang mga kasama ko lang sa house kasi ito si Ginger, and my mom. Nakakapagod rin pala kapag wala ka masyadong kausap," lahad ng aktres.

Ibinahagi rin ni Sophie na napansin niyang mas nakakatipid siya sa oras nang magsimula siyang mag-workout sa bahay.

"Feeling ko after ng quarantine ay sa bahay na lang talaga ako magwo-workout kasi parang ang daming oras na nase-save 'pag sa bahay lang. Unlike 'pag nagwo-work out ako dati everyday sa gym, parang nauubos yung buong araw ko, wala akong na-a-achieve.”