Sunshine pumalag kay Chuckie

March 16, 2020
Sunshine Cruz

PUMALAG ang singer-actress na si Sunshine Cruz sa claim ng dating “That’s Entertainment” mainstay na si Chuckie Dreyfus na kasama siya (Sunshine) sa siyam o sampung naging girlfriend niya sa sa now-defunct youth-oriented program ng GMA hosted by the late star-builder and Master Showman na si German `Kuya’ Germs Moreno. 

Naging miyembro rin ng “That’s Entertainment” si Sunshine along  with an array of more than a 100 young talents na ang karamihan ay aktibo pa rin sa showbiz.  Ang pag-amin ng dating actor ay nangyari sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” last Saturday, March 14 kung saan celebrity guest si Heart Evangelista habang ang kanya naman pagpipilian ay mga dating miyembro ng “That’s Entertainment” kung saan kasama si Chuckie.

Ayon na rin mismo kay Sunshine, iisa lamang ang kanyang naging boyfriend noon, ang kanyang ex-husband na si Cesar Montano na kanyang pinakasalan in 2000 at nagkaroon sila ng tatlong anak pero after 13 years ay nakahiwalay sila in 2013  at na-annul ang kanilang kasal five years later nung 2018.

Ang nobyo ngayon ni Sunshine ay si Macky Mathay na may ilang taon na rin niyang kasintahan.

Si Chuckie ay isang web designer at site developer at aktibo rin siya sa social media. May sarili siyang blog, vlog at isa rin siyang Youtuber.   Isa rin siyang musical scorer and songwriter.   Ikinasal siya sa kanyang non-showbiz wife na si Maria Eileen Regina Bayani-Dreyfus nung 2001 sa Santuario de San Jose in Greenhills, San Juan City at meron silang dalawang anak, sina Ralph at Isabella Dreyfus.

At 45, guwapo pa rin hanggang ngayon si Chuckie.