Sunud-sunod na pagkamatay

March 27, 2020

HALOS magkasunod na oras lamang ang pagitan sa pagyao ng kapatid ng TV host-actress-comedian na si Ruby Rodriquez na si Dra. Salvacion `Sally’ Rodriguez-Gatchalian at ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias kahapon ng umaga, March 26 (Thursday).

Si Dra. Sally Rodriguez-Gatchailan ay pang-anim na Filipino doctor na nasa frontline ang sumakabilang-buhay sa ganap na alas-6 ng umaga nung March 26 after she lost her battle with Covid-19 habang ang veteran actor na si Domingo `Menggie’ Cobarrubias ay pumanaw ng 8:20 a.m. ng March 26 sa Asian Hospital and Medical Center in Alabang, Muntinlupa dahil sa pneumonia complications.  He was 68.

Si Menggie (as he is fondly called in showbiz and his friends) ay nagtapos ng A.B. Philsophy major in Theater Arts sa University of the Philippines nun 1977.  Kasali rin siya sa U.P. Repertory Company at Dulaang U.P. kilala rin siya bilang golfer at madalas mag-host sa maraming sporting events.

During his time ay nakapag-uwi siya ng Gawad Urian in 1980  para sa pelikulang “Jaguar”at nung 2014 bilang Best Actor ng QCinema International Film Festival para sa pelikulang “Mauban: Ang Resiko”.

Bago ang telebisyon at pelikula ay nagsimula siya bilang stage actor sa Dulaang Unibersidad ng Pilipinas  or Dulaang U.P. at isa na rito ang “The Heart of Emptiness is Black” na hango sa Palanca award-winning play ni Ricaredo Demetillo na dinirek ni Behn Cervantes na siya ring nagbigay kay Menggie ng kanyang first movie, ang “Sakada” in 1976.

Tampok din si Menggie sa directorial debut ni Robert Arevalo na “Huwad na Bayani”.  Nakatrabaho rin ni Menggie ang maraming award-winning directors tulad nina Lino Brocka at Ysmael Bernal.

Kasama sa mga pelikulang nagawa noon ni Menggie ang “Impostor” in 2010, “Hele Sa Hiwagang Hapis,” “Bata-Bata Paano Ka Ginawa,” “Kabisera,” “Eerie” at marami pang iba.

Bago yumao si Menggie ay nakapag-post pa ito sa kanyang Facebook account ng “Good Bye” alas-9:26 ng gabi nung March 25.

Menggie was first married to Marilen Martinez.