Super Tekla itinanggi ang mga bintang

February 27, 2019
Super Tekla

KAHIT hindi na bahagi ng daily afternoon game show na “Wowowin” ni Willie Revillame on GMA ang  37-year-old singer-comedian na si Super Tekla (Romeo Librada sa tunay na buhay), hindi maikakaila na ang nasabing programa ang nagbigay ng daan sa komedyante na siya’y makilala at mapansin ng publiko gayundin ng pamunuan ng Kapuso Network who signed him up to an exclusive management contract.

Taong 2016 nang maging contestant ng “Wowowin” si Super Tekla at agad siyang kinakitaan ng husay sa pagpapatawa ng producer-host na si Willie Revillame kaya siya’y ginawang co-host ng programa kasama ang isa pang singer-comedian na si Donita Nose.  Pero dahil umano sa naging bisyo (dati) ni Super Tekla sa pag-inom at sugal, siya’y tinanggal sa programa.  Pero ang nasabing bisyo ay itinanggi ng singer-comedian.

Marami na ring pagsubok ang pinagdaanan ni Super Tekla maging sa kanyang personal at pribadong buhay at kasama na rito ang paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Irene Gonzales kung kanino siya may isang anak na babae.

Bakla man ang kanyang image sa publiko, sinasabi ni Super Tekla na isa umano siyang straight guy in real life.

Sobra ang pasasalamat ni Super Tekla sa pamunuan ng GMA dahil ito ang sumalo sa kanya nang siya’y matanggal sa “Wowowin”.  Nakapag-guest siya sa iba’t ibang programa ng Kapuso Network tulad ng “Trops,” “Sunday Pinasaya,” “Daig Kayo ng Lola Ko,” “All Star Videoke,” “Studio 7”.  Pero ang pinamalaki niyang exposure ay nang mapasama siya sa TV series na “Inday Will Always Love You” na pinagbidahan ni Barbie Forteza.  Na-feature din ang kanyang buhay sa “Magpakailanman” hosted by Mel Tiangco.

Ang kanyang digital talk show with Boobay ay ginawa nang mainstream at regular na itong napapanood tuwing Linggo ng gabi ang “The Boobay and Tekla Show” at nakikipaglaban in terms of ratings sa long-running late night show ng “Unkabogable Star” na si Vice Ganda, ang “Gandang Gabi Vice”.

As if these continued blessings are not enough, gagawa rin si Super Tekla ng pelikula na siya mismo ang pangunahing bida, ang “Kambal Karnabal” na pamamahalaan ni Adolf Alix, Jr. under GMA Films.

Si Super Tekla ay tubong Pigcawayan, Cotabato.  He was raised by the Manobo tribe and was trained bilang isang magsasaka.

Dahil sa maagang pagkamatay ng ina ni Super Tekla, natuto siyang maghanap-buhay para maitawid niya ang kanyang pag-aaral hanggang matapos niya ang high school.  Si Super Tekla ay may pito pang kapatid.

Pagkatapos ng high school ay lumuwas siya ng Maynila para rito makipagsapalaran at napunta siya sa pagiging isang stand-up comedian sa isang comedy bar and the rest ay kasaysayan nang maituturing sa buhay ng singer-comedian.