Susan nanguna sa 27 stars na nagsasama-sama para magdasal

April 07, 2019
Susan Roces
Susan Roces

NAPAPANSIN ni Bishop Socrates Villegas na hindi na gaanong nagdarasal ng Holy Rosary  ang mga kabataan ngayon. Kaya naisip nito na tawagan si Manay Ichu Maceda, ang maybahay ng yumaong senador na si Sen. Ernie Maceda at panganay sa mga anak ng yumaong star builder at movie producer ng Sampaguita Pictures na si Doc Jose R. Perez. Gusto ni Bishop Villegas na pakiusapan ni Manay Ichu ang movie queen na si Susan Roces para manguna sa kampanya for the Holy Rosary crusade.

Sinabi ni Manay Ichu kay Bishop Villegas na hindi umano Marian devotee si Susan kundi sa Mahal na Nazareno (sa Quiapo). Ang yumaong mister nito, ang Movie King na si Fernando Poe, Jr. ang Marian devotee.  Ganunpaman, agad tumalima si Manay Ichu sa pakiusap ni Bishop Villegas.  Agad namang pumayag si Manay Susan. Kasunod nito, tinatawagan ni Manay Ichu ang mga kilalang talent manager na sina Dolor Guevarra, June Rufino at Lolit Solis para himukin ang kanilang talents na sumali sa crusade.

Nang malaman ng ibang stars na nakapag-shoot na si Manang Inday (Susan Roces) ay naging madali na puamayag ang iba pang stars.

Over at ABS-CBN, hindi lamang si Susan ang sumali sa Holy Rosary crusade kundi maging ang star-director ng “Ang Probinsyano” na si Coco Martin gayundin sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Maricel Soriano, Matteo Guidicelli, Bayani Agbayani, Sylvia Sanchez, Arjo Atayde,Julia Barretto, Joshua Garcia, at ang hosts ng “Magandang Buhay” na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Over at GMA, nanguna ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Alden Richards, Maine Mendoza, Christopher de Leon, Ai-Ai de las Alas, Dennis Trillo, actor-director na si Eric Quizon, Wally Bayola at ang child stars na sina Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste.

Naisakatuparan ang Twenty Seven Stars in Prayer para sa hiling at vision ni Bishop Socrates Villegas na maibalik sa mga kabataan ngayon (millennials) ang kahalagahan ng Holy Rosary sa kanilang pang-araw- araw na buhay.

In fact, ayon kay Vic (Sotto), parati siyang may dala-dalang rosary sa kanyang bulsa.  Puwede umano niyang makalimutan ang kanyang cellphone at ibang mahahalagang gadget but not his rosary.

Ang pagdarasal ng Holy Rosary laluna kung kasama ang pamilya ay nagiging gabay sa pagkakaroon ng pagkakaisa, pagmamahalan at pagkakaunawaan ang buong pamilya dahil sa sama-samang pagdarasal.

Sinabi naman ni Sylvia (Sanchez) na suot-suot niya lagi ang rosary ring na hiningi niya sa character actor na si King Gutierrez.

Unknown to many, si Coco (Martin) ay nagdarasal din ng Holy Rosary at isa rin siyang Black Nazarene devotee.

Ang labis na ikinatutuwa ni Manay Ichu ay walang nagpabayad sa stars na sumali sa Holy Rosary crusade. Maging ang award-winning cinematographer na si Ronnie Lacap ay nag-volunteer at natuwa na siya’y napasama sa isang makabuluhang kawsa.  Ang big boss ng TAPE, Inc. at APT Entertainment na si Tony Tuviera ay siya namang nagpahiram ng technical equipment facilities para sa shooting at editing nang walang bayad. Although gumastos pa rin si Manay Gina ng P400,000 para sa talent fee ng mga technical men, pagkain at iba pang cost na hiningi naman niya sa kanyang mga anak at mga kapatid.

Sobra umanong natuwa si Bishop Villegas nang kanyang mapanood ang finished material dahil ang hiniling niyang Susan Roces ay nadagdagan pa ng 26 other stars para sa Holy Rosary crusade na ipilalabas na sa mga sinehan at sa ABS-CBN at GMA.