Sylvia, iniwan ang asawa sa ospital

April 16, 2020
Sylvia Sanchez

MAGANDANG balita ang inihatid ni Sylvia Sanchez sa kanyang mga follower nang ipost niya na nakauwi na siya ng bahay.

Nag-post si Ibyang ng kanyang larawan na bagong-paligo at tila nasa kuwarto na ng kanyang bahay.

Sa caption ng aktres ay sinabi niyang siya pa lang ang nakakauwi dahil ang asawa niyang si Art Atayde ay kailangan pang manatili ng two-three days sa hospital for another test.

“SALAMAT SA DIYOS! Nakauwi na po ako matapos mag negative sa COVID19! Ang asawa ko po ay kailangan pang manatili ng 2-3 araw sa ospital para sa isa pang test. Maraming maraming salamat sa inyong mga dasal!” ani Sylvia.

Si Ibyang ang isa sa mga celebrity COVID-19 survivors sa showbiz along with Iza Calzado and Christopher de Leon, na nagsabing willing siyang mag-donate ng dugo para sa paggaling ng COVID-19 patients.