Sylvia at mister na si Art Atayde on the way to recovery

April 11, 2020
Sylvia Sanchez and Art Atayde
Sylvia Sanchez and Art Atayde

ANG second child ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde na si Ria Atayde ang nagbalita na on the way to recovery na umano ang kanyang parents matapos ma-clear sila pneumonia.

Kinukumpleto lamang umano ang treatment kina Sylvia at Art hanggang sa tuluyan na silang mag-negative sa coronavirus bago sila tuluyang makalabas.

Negatibo naman sa Covid 19 ang magkakapatid na Arjo, Ria, Gela at Xavi at mga kasama nila sa bahay.

Samantala, nagpapasalamat si Ria sa mga nagpaabot ng suporta at dasal for her parents at humihingi siya ng patuloy na dasal  para sa kanila hanggang sa kanilang tuluyang paggaling.

Nauna nang naka-recover  sa Covid 19 at nakalabas na ng pagamutan ang drama king na si Christopher de Leon at ang Kapamilya actress na si Iza Calzado pero sumakabilang buhay naman dahil sa coronavisrus ang veteran actor na si Menggie Cobarrubias at ang Mulatto band member na si Joey Bautista gayundin ang GMA freelance cinematographer na si Joseph de los Reyes.