Sylvia at mister negative na sa Covid, makakauwi na ng bahay

April 15, 2020
Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez and her attending doctors

SYLVIA Sanchez and husband Art Atayde are both on their way to full recovery from Covid-19.  Another negative result on their final test ay nangangahulugan na puwede na silang umuwi.  Kaya natutuwa ang kanilang mga anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi sa magandang balitang ito.

Although hindi pa nakakauwi ang mag-asawa ay sobra-sobra naman ang kanilang pasasalamat sa mga frontliners (doctors, nurses and other hospital staff na siyang nag-aasikaso sa kanila) dahil sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho.

Kapag nakauwi na sina Sylvia at Art sa kanilang bahay ay sasailalim pa rin ang mag-asawa ng two-week quarantine bago nila tuluyang malapitan ang kanilang mga anak at iba pang mga mahal sa buhay.