Sylvia nakauwi na ng bahay

April 16, 2020
Sylvia Sanchez

NAKAUWI na ng bahay ngayon, April 16 ang 48-year-old actress na si Sylvia Sanchez matapos ma-confine sa hospital sa loob ng dalawang linggo. Nagpositibo sa Covid 19 si Sylvia at mister na si Art Atayde. Matapos mag-negatibo si Sylvia sa kanyang final test ay pinauwi na ito ng bahay pero kailangan pa rin nito ng another two-week self-quarantine.  Ang kanyang mister naman na si Art ay kailangan pang manatili sa pagamutan sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw for his final test at kapag naging negatibo rin ang resulta ay puwede na rin itong makauwi.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Sylvia sa Diyos at sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kanila ni Art.  Pinasalamatan din niya ang mga nasa frontline, doctors, nurses at iba pang health workers.

Sylvia is the third showbiz personality na naka-recover sa Covid-19.  Nauna sa kanya sina Christopher de Leon at Iza Calzado.  Gumaling din ang veteran broadcast journalist ng GMA na si Howie Severinio gayundin sina Sen. Migs Zubiri, Sen. Sonny Angara, Sen. Koko Pimentel at marami pang iba.