Talent fee ni Guy, walang kinalaman sa isyu ng palitan

January 13, 2019
Nora Aunor

Ipinagdiinan ng isang malapit na kaibigan ni Nora Aunor na ’di  talent fee ang dahilan kung bakit napalitan ni Sylvia Sanchez ang superstar sa pelikulang Jesusa ni Ronald Carballo.

Conflict sa schedule ng taping ng Onanay ang ibinigay na rason ng kausap namin.

Na-extend daw hanggang Marso ang seryeng pinagbibidahan nina La Aunor, Jo Berry at Cherie Gil na dapat sana ay magtatapos nitong January.

Nakakasa na kasi nitong first week ng buwan ang first shooting day ng movie at ’di na raw puwedeng ipagpaliban pa dahil sa hinahabol na playdate.

Hindi na rin daw puwedeng hintayin pa ang availability ng Superstar hanggang matapos ang serye.

Pero nanghinayang daw si Guy na hindi sa kanya napunta ang project.

Sa initial meeting between La Aunor, Direk Ronald at ang production staff, gustung-gusto ng multi-awarded actress ang script na sinulat ng direktor.

Kuntento naman daw ang production staff sa professionalism ni Sylvia at sa husay nito bilang aktres.