Tambalang Bela-JC may following

February 06, 2020

IBINALITA sa amin ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario na kumita ng P6.2M ang first day gross ng balik-tambalan nina Bela Padilla at JC Santos sa pamamagitan ng “On Vodka, Beers and Regrets” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor.  Ang nasabing pelikula ay nagbukas sa mga sinehan nationwide last Wednesday, February 5.

May following na talaga ang tambalan nina Bela at JC na kanilang sinimulan sa kauna-unahang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) in August 2017 sa pamamagitan ng “100 Tula Para kay Estela” na sinundan ng 2018 PPP, ang “The Day After Valentine’s” na parehong sinulat at dinirek ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.  Nakatakda ring simulan ng dalawa ang part 2 ng “100 Tula Para Kay Estela” na muling pamamahalaan ni Direk Jason.    

Although hindi nagkaroon ng eksena sina Bela at JC sa 2019 MMFF blockbuster movie na “Miracle in Cell No. 7,” pareho silang kasama sa movie na tinampukan ni Aga Muhlach at ang childstar an si Xia Vigor.

Hindi ikinakaila nina Bela at JC na kinabahan umano sila sa magiging outcome ng kanilang bagong movie dahil sa scare ng Novel Coronavirus (2019-nCoV).  Dahil dito, naurong ang showing ng “Untrue” nina Kristine Reyes at Xian Lim na dapat sana’y showing on February 19.