Tatay na si Pepe

June 16, 2020

ISA nang ama ang 33-year-old singer, stage-TV and film actor na si Jose `Pepe’ Herrera matapos magsilang ng baby girl ang kanyang non-showbiz partner, ang visual artist and interior designer  na si Sam Mallari. He posted this on his Instagram account last Sunday, June 14.

“Nakakakilig, nakakaiyak, nakakagana, nakakagaan. Today, in my eyes, the world is a better place. Salute to all mothers who gave birth, who are giving birth and who are about to give birth to little angels,” he posted.

Si Pepe ay nagging bahagi ng ilang TV series ng Kapamilya network tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Forevermore,” at “The Killer Bride” maging ng ilang pelikula.  He started out bilang stage actor kung saan hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya.

Si Pepe ay nagtapos ng Conservatory of Music sa University of Santo Tomas.