Tatay ni Sylvia, patuloy na hinahanap

April 01, 2019
Sylvia Sanchez

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakikita ng mga anak ni Sylvia Sanchez (sa asawang negosyante na si Art Atayde) ang kanilang Brazilian grandfather na tunay na ama ng veteran actress.

Kahit ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde ay tumutulong na mahanap nila ang kanilang maternal grandfather.  Balak pa nga ng magkapatid na magtungo ng Rio de Janeiro para hanapin ang kanilang lolo na sa paniniwala nila ay buhay pa.

Natutuwa naman si Sylvia sa efforts ng kanyang mga anak.

Samantala, hindi pa man naipapakilala sa mag-asawang Sylvia at Art ang napapabalitang kasintahan ngayon ng kanilang panganay na si Arjo na si Maine Mendoza, naniniwala ang veteran actress na maganda ang impluwensiya ni Maine kay Arjo. Kitang-kita umano rito ang pagiging masaya at pagiging positibo sa mga bagay ngayon.

Binigyan ng advice ni Sylvia ang anak na si Arjo maging si Maine na huwag nang intindihin ang mga bashing.  Napilitan lang naman noon mag-react si Sylvia bilang isang ina dahil may pagbabanta na umano sa kanilang buhay na hindi na katanggap-tanggap.

Ayon kay Sylvia, nasa likod lamang umano sila ng kanyang mister na si Art ng kanilang mga anak para magbigay ng advice kung kinakailangan.  Since nasa tamang edad naman daw si Arjo para mag-desisyon para sa kanyang sarili, hindi na umano sila nakikialam pero umano mawawala ang kanilang pagmamahal, suporta at pang-unawa sa mga anak kahit na sila’y nasa edad na.