Tatlong townhouse ang ipapalit ni LT sa dating bahay nila ni Daboy

March 07, 2020

TATLONG magkakahiwalay na bahay sa isang compound ang kasalukuyang itinatayo sa dating lugar kung saan nakatayo ang malaking bahay  ni Lorna Tolentino at ang  namayapang mister nitong si Rudy ‘Daboy’ Fernandez kasama ang kanilang mga anak na sina Rap-Rap at Renza.

The house will be knocked down to give way sa tatlong bahay na itatayo mala-town house kung saan nakatakdang tumira separately ang mag-iinang LT Rap-Rap at Renz.

Excited naman pareho sina Rap-Rap at Renz na magkakaroon na sila ng kani-kanyang bahay laluna si Rap-Rap na may sarili nang pamilya.

Si Renz naman ay matututo na ring mamuhay nang mag-isa nang hindi kailangang umasa pa sa kanyang inang si LT.

Marami naman ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ring magkaroon ng partner ang bunso nina Daboy at LT considering na 34 na siya at magti-35 on September 8.