Ted lilipat na sa TV5?

August 26, 2020

SA pagkawala ng ABS-CBN on free TV, tiyak na mag-iiba na ang landscape ng telebisyon.  At ang libu-libong empleyado ng Kapamilya network na nawalan ng trabaho ay madadagdag sa milyun-milyong walang trabaho ngayon.  Tiyak na malaki rin ang impact nito sa ating ekonomiya na hindi naman aaminin ng `magagaling’ na kongresista na nagbasura sa panibagong franchise license ng Kapamilya network.

Samantala, gaano kaya katotoo ang lumulutang na balita na lilipat umano si Ted Failon sa TV5?

Sabi nga ni Ted sa kanyang radio program sa DZMM na “Failon Ngayon,” “We live by the day.  Hindi namin alam kung ano ang susunod na mangyayari sa amin. ”