Thea may bagong baby

August 11, 2020
Thea Tolentino
Thea Tolentino

ISA nang ganap na cat mom ang Kapuso actress na si Thea Tolentino matapos siyang mag-adopt ng pusa mula sa dating Sexbomb Dancer na si Jacky Rivas. 

Pinangalanan niyang Blair ang kaniyang baby kitten at agad niya itong pinakilala sa fans at netizens sa kaniyang Instagram post, "Thank you ng marami sa inyo Ate @jacky.rivas for letting me have Blair and amore @genvallacer dahil ikaw ang unang nakahanap sa kanila. First pet ko si Blair at nagkataon na today is International Cat Day!"

Nakatanggap din si Thea ng ilang tips mula sa kaniyang followers kung paano maaalagaan ng mabuti ang bago niyang baby.