Theater actress, humihingi pa rin ng katarungan sa pagkamatay ng mister

February 20, 2019

NAKALULUNGKOT isipin na wala na talagang oras na pinili ang mga pumatay sa businessman-husband ng theater singer-actresss at tumatayong Artistic Director ng Resorts World Manila na si Menchu Launchengco-Yulo na si Jose Luis Yulo. He was gunned down along with his driver na si Allan Nomer Santos ng motorcycle-riding team nung bandang alas 3:30 ng hapon along EDSA, Mandaluyong City nung nakaraang Linggo, February 17 na ikinasugat din ng kasama nilang babae na si Esmeralda Ignacio.  Binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA southbound  galing Angeles, Pampanga nang sila’y tabihan ng gunmen lulan ng isang motorsiklo.  Dead on arrival umano sina G. Yulo at ang kanyang driver nang isugod sa pinakamalapit na pagamutan.  May kinalaman sa negosyo ang itinuturong anggulo ng pagpatay kay G. Yulo kung saan nadamay ang kanyang driver.

Si Menchu ay nakatatandang kapatid ng kilalang singer-actor na si Raymond Lauchengco.

Kasama si Menchu sa original run at  re-run ng hit musical na “Ang Huling El Bimbo” na muling mapapanood sa Newport Performing Arts Theater starting March 1 hanggang April 6.

Nagluluksa ngayon ang pamilya ni Menchu and her family sa pagpanaw ng kanyang husband at patuloy na humihingi ng hustisya na agad mahuli ang mga salarin  at magbayad sa batas ang may kagagawan nito.