Third baby nina Isabel at John ayaw pang ibigay ang pangalan

June 16, 2020

NEXT month na nakatakdang isilang ng actress nasi Isabel Oli ang magiging third baby nila ng kanyang husband, ang dancer-actor-director at entrepreneur nasi John Prats. 

Baby girl ang kanilang magiging Baby No. 3 pero ayaw pa nilang i-reveal ang pangalan nito.

Ang dalawang unang anak ng mag-asawa ay sina Lily Feather (4) at Freedom (2).

Tatlo na rin ang anak ng younger sister ni John, ang actress-TV host-entrepreneur na si Camille Prats.

Kung si Camille ay may two boys and one girl, si John naman ay magkakaroon ng two girls and one boy.