Third party, dahilan ng hiwalayan ng rapper at model-actress?

April 12, 2019
Jelai Andres & Jon Guitierrez

SA presscon ng 'S.O.N.S. (Sons of Nanay Sabel) ng Viva Films na ginanap sa kanilang paboritong Playhub events center, natanong ang rapper na si Jon Gutierrez, isa sa member ng sikat na Ex-Battalion, tungkol sa lumabas na video ng kanyang misis, ang model-actress na si Jelai Andres.

Maikli lamang ang tugon ni Jon: "I just wanna say na nobody's perfect, I am not perfect. I made a mistake but right now I'm in the process of sorting it out with my wife. I'm trying to save my marriage but, like I said, everyone makes mistakes."

Nang may mag-follow up ng tanong, ayon sa rapper na tumira sa London:  "Any questions about my wife, please don't ask it. That's the last question I'm going to answer about it because that's too personal. Thank you."

Ikinasal sina Jon at Jelai noong isang taon. Ayon sa tsismis, third party ang dahil ng kanilang hiwalayan.

Samantala, ang pangunahing bituin ng Sons of Nanay Sabel ay si Ai Ai de Las Alas. Kasama niya ang grupong Ex-Battalion sa ilalim ng direksiyon ni Dado Lumibao.