Three years old nag-record ng kanta habang nasa home quarantine

March 27, 2020

JUST like everybody else (except yung mga nasa frontline), halos lahat ng tao ay nasa loob lamang ng kanilang pamamahay dahil sa pagkalat ng coronavirus (Covid19). At hindi naiiba rito ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza at dalawa nilang anak na sina Stellar (3) at Salem (7 months old).

Habang nasa loob ng bahay ay maraming activities ang ginagawa ng mag-asawa kasama ang kanilang panganay na si Stellar.

Isang araw ay nagulat si Kean nang lapitan siya ni Stellar na gusto umano niyang mag-record ng kanta na kanya namang pinagbigyan.  Isa umano ito sa maraming `firsts’ ng kanilang panganay ni Chynna.  Although hindi pa gaanong klaro ang mga lyrics na binibigkas ni Stellar ay nasa tono umano ang bata.  Ngayon pa lamang ay lumalabas na ang talent ni Stellar sa pagkanta na minana nito sa kanyang celebrity parents na parehong singers.