TNT boys sobrang pinahahanga ang mga banyaga

February 20, 2019
TNT Boys

ANO kaya ang pakiramdam ng American hitmaker, singer-songwriter, record producer at actress na si Beyonce nang kantahin ng TNT Boys ang kanyang awiting “Listen” sa bagong talent competition sa Amerika, ang “The World’s Best” hosted by English actor-comedian na si James Corden.  Muli  itong inawit ng TNT Boys na ikinamangha hindi lamang ng audience kundi maging ng  three main American judges na sina Drew Barrymore, RuPaul at Faith Hill maging ang 50 international judges from all over the world na kinabibilangan ng Concert Queen na si Pops Fernandez ng Pilipinas.

Ang TNT Boys ay binubuo nina Keifer Sanchez (14), Mackie Empuerto (13) at Francis Concepcion (12).

Ang isa sa mga host ng “It’s Showtime” at sa solo show niyang “Magandang Gabi Vice” na si Vice Ganda ang nakaisip ng TNT Boys nang pakantantahin niya  ang tatlo  ng “Listen” ni Beyonce sa kanyang late night Sunday show. Maganda ang kinalabasan nito at ito’y nag-viral sa YouTube.  Nagtuluy-tuloy na ang pagiging TNT Boys nina Keifer, Mackie at Francis na siyang nanalong grand winner sa “Your Face Sounds Familiar Kids” nung isang taon.

Nagkaroon din ng chance ang TNT Boys na makapag-perform sa apat na franchise ng “Little Big Shots” sa US, UK, Australia at maging sa Pilipinas.

Last Monday, muling umalis patungong Amerika ang TNT Boys para  mag-guest sa talk show ni James Corden, ang “The Late Late Show with James Corden” on CBS TV.

Ang TNT Boys din ang may hawak ng record as the youngest concert performers na nakapuno ng Araneta Coliseum last November 30, 2018 na pinamagatang “Listen: The Big Shot Concert”.

Magiging memorable siguro sa TNT Boys kung makakaharap at makakapagtanghal sila nang live kasama ang kanilang idol na si Beyonce.