Tom gusto nang magkaanak kay Carla

March 02, 2019
Tom Rodriguez and Carla Abellana
Tom Rodriguez and Carla Abellana

MAY limang taon na rin ang relasyon ng magkasintahang Tom Rodriguez at Carla Abellana.  Nakikita ni Carla na ang Kapuso actor na si Tom na ang gusto niyang makasama habang buhay at tila ang proposal na lamang ng actor ang hinihintay ng Kapuso actress.

Gusto na rin ni Tom na magkaroon sila ng anak ni Carla pero mangyayari lamang daw ito kapag kasal na sila.   Ayaw namang magsalita si Tom kung ang proposal ay mangyayari sa taong ito.

Abala ngayon si Tom sa taping ng bagong fantaserye-romance-drama na "Dragon Lady" na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez para sa GMA7.