Tonton at Glydel hindi raw pwedeng magsabay

July 24, 2020

BALIK-trabaho ang actor na si Tonton Gutierrez. May bago siyang TV series sa Kapamilya channel kung saan kabituin niya sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Arci Munoz at iba pana may pamagat na “Walang Hanggang Paalam”.

Ayon sa 52 taong gulang na actor, ang ginagawa niyang bagong serye ngayon ay unang trabahong sinimulan niya pagkatapos ng lockdown. Naka-lock in umano sila tuwing taping and have to follow health protocols before and after taping including rapid testing.

Ipinaliwag ni Tonton na hindi sila puwedeng magsabay ng kanyang wife na si Glydel Mercado na magtrabaho dahil sa lock-in procedure ng iba’tibangproduksyon. Wala umanong mag-aasikaso sa kanilang dalawang anak na sina Aneeza (16) at Aneeka (8).