Tonton, Glydel sinubok ng lockdown ang tatag

July 27, 2020
Glydel Mercado and Tonton Gutierrez
Glydel Mercado and Tonton Gutierrez

MAHIGIT 16 years na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Glydel Mercado at ng mister niyang si Tonton Gutierrez at idagdag pa riyan ang anim na taon nilang relasyon bilang magkasintahan.

“I am so lucky dahil napakabait, caring  at napaka-supportive ng husband ko,” pagmamalaki pa ng grand slam Best Supporting Actress para sa pelikulang “Sidhi” in 1999.

Ayon kay Glydel ay muli umanong sinubok ng  lockdown ang tatag ng kanilang pagsasama kasama ang dalawa nilang anak na sina Aneeka (16) at Aneeza (8).

Parehong positibo ang pananaw sa buhay  nina Tonton at Glydel, isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang pamilya unlike other showbiz couples na nauwi sa hiwalayan.

Si Glydel ay isa rin sa mga produkto noon ng youth-oriented program ng yumaong star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang “That’s Entertainment” on GMA bago siya nakilala bilang isang sexy actress.