Top talents ng ABS-CBN nagpaalam na

August 06, 2020

SA pagtatapos ng buwang kasalukuyan, libu-libong Kapamilya ang tuluyan nang mawawalan ng trabaho at ito’y may kinalaman sa pagbasura ng mga kongresista  ng bagong prangkisa ng ABS-CBN.  Marami ring mga programa ang pinatay at nawalan din ng trabaho ang marami sa kanilang talents including radio and TV anchors at actors, writers, researchers, reporters at iba pa ang natanggal.

Mabigat at masakit man sa loob ng management ng Kapamilya network na mawalay sa kanilang mga empleyado at , wala silang alternative kundi ang magtanggal ng kanlang mga empleyado at talents.  Maging ang kanilang serbisyo publiko ay apektado na rin dahil hindi na ito kayang i-absorb ng kanilang present operation. 

Ang tandem ng “Dos por Dos” nina Anthony Taberna at Gerry Baja ay nagtapos na sa ere nung nakaraang July 31 at naging madamdamin ang kanilang pamamaalam sa kanilang program na mahigit 17 taong namayagpag sa ere at kinalugdan ng kanilang mga avid listeners and followers.

Nagtapos na rin ang 31 taon pamamalagi ng veteran broadcast journalist na si Ces Drilon who later became the head ng Content Acquisition ng ABS-CBN Lifestyle Ecosystem Group at ANC-X executive editor. Nariyan din ang isa pang batikang journalist na si Korina Sanchez at marami pang iba.

Nakakalungkot lalupa’t sila ang mga sinusubaybayan ng publiko at ng mga manonood.

Pero sa kabila nito, marami pa rin ang nananalangin at umaasa na sana’y temporary lamang ang lahat nang ito at muli ring magkakasama-sama ang nagkawatak-watak ng pamilya ng ABS-CBN.

Mapunta man sa ibang radio and TV network ang mga talents at ibang empleyado ng ABS-CBN, maganda na rin ito kesa wala silang pagkakakitaan.