Transformation ni Alden, nangangamoy lovelife?

April 27, 2019
Alden Richards

MAY bagong look si Alden Richards ngayon. Mas payat at mas lean na Alden ang sumalubong sa fans sa pagbabalik ng Kapuso actor sa bansa para sa grand opening ng kanyang Mcdonald’s branch sa Binan, Laguna. Ayon sa ilang fans, bumagay kay Alden ang kanyang transformation at mas lalo pang umangat ang kagwapuhan ng binata. Ibinahagi ng Pambansang Bae na talagang nagsikap siya upang ma-achieve ang kanyang desired weight. Nasa 18 lbs ang nabawas sa kanya. “No rice, no carbs, no salt, no sweets, no fruits, no meat na pork and beef. Okay lang chicken breast, walang skin,” aniya.

Abala ngayon si Alden sa shooting ng kanyang upcoming movie na Hello, Love, Goodbye, kung saan gumaganap siya bilang isang OFW sa Hong Kong. Maghahatid din siya ng saya sa mga Kapuso abroad sa nalalapit na Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye in Brooklyn sa May 11 na gaganapin sa Kings Theatre, Brooklyn, New York.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, pinagbubulungan ang presence ni Winwyn Marquez kasama ang nanay nito sa opening ng McDonald's Binan ni Alden. Bagama't sinasabi ni Alden na matagal na silang close friends ni Winwyn, may nagsasabi na panahon na para magkaroon na siya ng lovelife. After all, matagal nang hiwalay si Winwyn kay Mark Herras at ang ipinagduduldulan ng fans sa kanyang si Maine Mendoza ay may Arjo Atayde na.