Tsismis kina DJ Cha cha at Ted matitigil na

March 28, 2019

SA May 30, 2019 na ang kasal ni Czarina Marie Balba na mas kilala as DJ Chacha sa kanyang fiancé na si Michael Guevarra. The two got engaged in August last year habang nasa bakasyon sa Bangkok, Thailand ending their six years bilang magkasintahan.

Si DJ Chacha ay may isang anak na babae na si Sabb sa dati niyang karelasyon na balak umanong i-adopt ng kanyang magiging mister na si Michael.

Si DJ Chacha ay showbiz correspondent ng DZMM at DJ sa 101.9, ang FM station ng ABS-CBN.

Ang anak ni DJ Chacha na si Sabb ang tatayong maid of honor at tiyak namang may mga papel sa wedding ang mga close friends ng DJ na sina Elisse Joson, Jinri Park, DJ Jhai Ho at DJ Onse.  Sina Elisse at Jinri ay naging close friends ni DJ Chacha matapos magsama ng tatlo sa PBB: Lucky 7 season.

Sina Kabayan Noli de Castro, Ted Failon, Roxy Liquigan at Karla Estrada ay ilan sa mga tatayong principal sponsors.

Dahil ikakasal na si Chacha kay Michael, mahihinto na siguro ang espekulasyon ng marami na may ugnayan siya sa veteran radio and TV journalist/anchor na si Ted Failon.