Tsismis tungkol kina Coco at Julia ’di mamatay-matay

April 09, 2019
Coco Martin and Julia Montes
Coco Martin and Julia Montes

UMUGONG ang balita na buntis umano ang Kapamilya young actress na si Julia Montes courtesy of her rumored boyfriend na si Coco Martin.  Ito umano ang dahilan kung bakit nagtungo ng Germany (kung saan naka-base ang kanyang biological dad and his family) ang actress para doon umano itago ang pagbubuntis nito bagay na pinabulaanan naman ng management company ni Julia, ang Cornerstone.

Pero lately, hindi na lamang ang pagbubuntis ang tsismis tungkol kay Julia kundi nakapagsilang na diumano ito sa Cardinal Santos Medical Center in San Juan City. Pero wala pang kumpirmasyon na lumalabas hinggil dito.

Kung totoo mang nakapagsilang si Julia at si Coco ang itinuturong ama, tiyak na hindi ito tatalikuran ng “FPJ’s Ang Probinsyano” star and director na si Coco na pilit namang inili-link ngayon sa kanyang longtime leading-lady sa nasabing action-drama TV series na si Yassi Pressman.

Totoo man o hindi ang mga lumulutang na balita tungkol sa 24-year-old actress na si Julia at sa 37-year-old na si Coco, lalabas din naman ang katotohanan isa sa mga araw na ito.

Sina Coco at Julia ay nakatira sa iisang exclusive village in Quezon City at si Coco pa umano ang dahilan kung bakit lumipat ang aktres sa village ng actor.  Unang nagtayo ng bahay si Julia for her family in Cainta, Rizal.

Unang napabalita ang pagkakamabutihan nina Coco at Julia nang magkasama sila sa isang hit primetime TV series na “Walang Hanggan” in 2012.  Nagkasama pa ang dalawa sa isang pelikula, another TV series at isang special series ng “Wansapanataym Presents…”  Magmula noon ay hindi na mamatay-matay ang tsismis sa dalawa pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang inaamin sa publiko tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Samantala, kung gugustuhin na ni Coco na bumuo ng sariling pamilya ay capable na siya  na gawin ito dahil sobra nang stable ang kanyang income at estado sa buhay maging ang kanyang edad na 37.