TV5 should be warned by past mistakes

August 12, 2020

DAHILAN sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV, malaking pagkakataon na para sa TV5 ang muling palakasin ang kanilang entertainment programming. And to keep a rivalry burning.

Isinantabi nila ito dati at mas pinalakas ang kanilang sports programs, lalo na ang basketball, which we all know ay passion ng kanilang top honcho na si Manny Pangilinan. So who can argue with the boss, lalo pa't milyun-milyon ang nalugi sa kanila?

Now, susubukan nilang muling maging isa sa frontliners sa TV entertainment, and they're starting with some talk and game shows, which they think could lure viewers lalo na ang mga nangangailangan. 

Such strength has been proven by Willie Revillame, na wala namang ginagawa kundi tumawag lang ng winners, flirt with beautiful guests at pasayawin ang kanyang sexy dancers sa kanyang Tutok to Win on Wowowin sa GMA7, and voila, may isang hit show na siya sa gitna ng pandemic. 

But Willie is a different case altogether. No matter what some righteous people say about him, nakapag-build na siya ng image bilang isang masayang tao na nakatutulong. At tila mahirap na 'yung mawala sa kanya.

Now, sa TV5 mayroon silang isang Raffy Tulfo na halos ganito rin ang image. But Tulfo is seen as tougher, more serious, and one you should not mess around with. Ang nakatutuwa lang, he's trying to lighten up his show by making his staff dance whenever they commit blunder. At sa ganitong simpleng paraan, nagkakaroon ng entertainment value ang kanyang show.

Tungkol naman sa mga bagong palabas sa TV5, they should be warned by what they did a few (many) years ago. Kumuha sila ng malalaking pangalan from the two top networks, paid them handsomely, pero hindi naman sila iginawa ng maaayos na projects. Remember them putting Sharon Cuneta in show with Jay Manalo as leading man? There could be bright, new ideas na bright lang para sa elite minds, pero hindi sa masa. Mga (bright) ideas ito na maganda at nakatutuwang i-discuss pero iba ang sinasabi ng end results. At kahit sabihin nilang blocktimers lang ang producers nila, whatever content they pour in, makakaapekto sa kabuuan ng  image ng network.

They should know better this time.