Twins nina Mar at Korina bagong celebrity babies

February 26, 2019
Mar Roxas and Korina Sanchez with their twins

NGAYON pa lang ay considered celebrity babies na ang twins ng mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez na sina Pepe and Pilar na isinilang sa pamamagitan ng gestational surrogacy, an arrangement in which a woman carries and delivers a baby for another person or couple.

For the very first time ay magiging mom na ang 54-year-old veteran and award-winning broadcast journalist and host of her long-running magazine and lifestyle TV show, “Rated-K” at magiging amang muli ang dating senador and former DILG Secretary na si Mar Roxas who has a 25-year-old son, si Paolo, sa dati nitong karelasyon, ang dating beauty queen na si Maricar Zaldariaga.

Ito ang dahilan kung bakit tumulak patungong Amerika ang mag-asawang Mar at Korina para maiuwi na ang kanilang kambal.

Sa pagdating sa buhay nina Korina at Mar ng kanilang twins ay tiyak na magbabago na ang takbo ng kanilang daily grind.

Korina is a firm believer at kinu-consider niyang miracle from the Lord ang pagdating sa buhay nilang mag-asawa ng kanilang kambal.