Uban, dagdag-appeal at charisma kay Piolo

April 27, 2020
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Panalo ang quarantine look ni Piolo Pascual na tila bagong gising, hindi pa naghihilamos at higit sa lahat, labas ang mga puting buhok. 

Sa halip na ma-turn-off, lalo pang minahal ng kanyang fans ang aktor na may uban na dahil bagay daw dito ang salt and pepper hair.

Hindi nga malaman ng fans ni Piolo kung sino kina Tom Cruise, Richard Gere at George Clooney ang kanyang kamukha, basta para sa kanila, guwapo pa rin ang aktor, may uban man o wala.

Naalala namin, nabanggit dati ni Piolo na nagda-dye siya ng buhok, pero dahil sa lockdown, hindi siguro siya nakabili ng pang-dye at kesa bunutin ang mga puting buhok, hinayaan na lang niya.

In fairness, bagay kay Piolo ang salt and pepper hair, sabi nga ng comment, nadagdagan ang charisma at appeal niya. 

Hindi  pa po matanda si Piolo, 43 years old pa lang siya, kaya lang, maagang nag-apir ang white hair niya.