Uban at freckles, ‘quarantine look’ ni papa P

April 07, 2020
Piolo Pascual

GAYA ni Gabby Concepcion, pasok sa netizens ang “quarantine look” ni Papa P o Piolo Pascual.

Karamihan nga ng followers ng Instagram account na @piolopascual_ph, kung saan naka-post ang bagong image ng showbiz hunk, nag-agree na bagay kay Piolo ang salt and pepper hair (meaning, may uban), at manipis na balbas at bigote.

Rugged nga at medyo may pagka-rock star ang dating ng “quarantine look” ni Piolo at naging prominent pa ang freckles sa mukha.

Tinawag pa ang actor ng ilang followers ng IG account na George Clooney, ang Hollywood actor na minsan na ring gumanap sa papel na Batman sa pelikula.

Komento pa ng ilang fans, kahit pumuti pa ang lahat ng buhok ni Papa P, “ikaw pa din ang crush ng madaming kababaihan” habang ang iba naman, pilit pa rin siyang ini-link at binuyong makipagbalikan sa ex-girlfriend na si KC Concecpcion.