Unang summer filmfest hindi inaasahang kikita tulad ng MMFF

March 07, 2020

ALL systems go na para sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na nakatakdang ganapin sa darating na Sabado de Gloria, April 11 at magtatapos sa April 21 na pangangasiwaan din ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Ang pamahalaan ng Quezon City ang magiging host ng 1st MMSFF gayundin ang 2020 Metro Manila Film Festival with Parade of Stars na nakatakdang ganapin on Palm Sunday, April 5 na magsisimula sa Quezon City Rotunda at magtatapos sa Quezon City Circle.  

Ang Gabi ng Parangal naman ay gaganapin on April 15, 2020, araw ng Miyerkules  pero ang venue ay hindi pa ina-annnounce pero malamang na ito’y ganapin  sa New Frontier Theater in Quezon City.

Tulad ng taunang Metro Manila Film Festival sa buwan ng Disyembre, ang unang Metro Manila Summer Film Festival ay may walong kalahok na may magkakaibang tema.  Nariyan ang romance, fantasy-comedy, family drama, romantic comedy, action- thriller at horror.

Although walang ibang ipapalabas sa mga sinehan nationwide sa loob ng 11 days kundi ang walong pelikulang kalahok lamang sa MMSFF, hindi pa rin ito garantiya na papalo nang husto ang mga film entries considering na bakasyon na ang panahon na ito ng mga estudyante na magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsya ang ibang tao naman ay nasa vacation mode din either out of town o sa ibang bansa.

Out of the eight official entries, apat lamang dito ang inaasahang papalo nang husto sa takilya and the rest ay malamang na so-so lamang ang magiging pagtanggap ng mga manonood.

More or less ay may kani-kanyang bet na ang mga tao kung alin sa walaong pelikulang kalahok ang mangunguna at mangungulelat sa takilya.

Hindi rin inaasahan na ang gross income ng MMSFF ay magiging katulad ng MMFF.