Vaness may message sa kapatid na frontliner sa US

August 25, 2020
Vaness del Moral

SA isang Instagram post, proud na pinasalamatan ni Vaness del Moral ang kapatid niyang si Juliene Marie na isang frontliner sa US. 

Aniya, “To my sister @chinkybabyyy, a nurse in the US. Thank you for your sacrifice and work, for making sure your patients get the proper care they need, for the risk you take every time you go to work knowing that the virus is still out there.”

Nagpaalala rin ang ‘Love of my Life’ actress sa kapatid na  magpahinga at ‘wag pababayaan ang sarili, “When you're tired and exhausted, send me a message anytime (bilang magkaiba tayo ng timezone, babasahin ko nalang pag gising na ako) after all, you are human and it's OKAY to feel frustrated, tired, sad, angry. Stay safe sis and be careful. I love you and I will keep praying for you!”

Sa huli, sinaluduhan ni Vaness ang lahat ng nurses sa serbisyong patuloy nilang binibigay sa publiko, "Para sa sakripisyo mo kabsat! Salute to all nurses out there! You are not just a nurse, but God's army!”