Veteran actress, pinababayaan ng anak na aktor?

March 27, 2019

NAKALULUNGKOT ang bubay ng isang kilalang  veteran actress. Bihira na itong magkaroon ng trabaho at kung meron man ay sobrang baba ng talent fee.  

Ang VA ay may anak na actor na may sarili na ring pamilya.  Pero, hindi man lamang daw ito tumutulong sa ina kahit may tuluy-tuloy na trabaho. Kaya ang pobreng ina ay gumagawa na lamang ng paraan para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan. Kasama man niya ang isa pang anak na kahit papaano’y nakatutulong pero hindi rin daw ito sapat.

Ang masaklap pa, ni hindi man lamang daw naalaala ng anak na actor ang kanyang ina sa mahahalagang okasyon tulad ng birthday, Valentine’s Day, Mother’s Day, Christmas at New Year na parang hindi siya (veteran actress) nagi-exist. Kaya madalas na lamang umiyak ang actress dahil tila kinalimutan na siya ng kanyang actor na anak.  At tila inilayo rin ng actor ang kanyang pamilya sa kanyang ina.

Bakit?

Ganunpaman, ipinagdarasal pa rin ng actress na magtuluy-tuloy ang trabaho ng anak at gabayan ito para maging maganda ang buhay nito at ng sariling pamilya na malayo rin ang loob sa kanya.