Vice, araw-araw natatakot para sa kapatid na doktora

April 25, 2020
Vice Ganda

NAGPAKA-DOTING si Vice Ganda sa doktorang kapatid nang papurihan at ipagmalaki niya ito bilang isa sa masisigasig na frontliners ng bansa laban sa COVID-19 pandemic.

Sa maramdaming Instagram post, inamin ni Vice na araw-araw siyang natatakot para sa kaligtasan ng kapatid na si Dra. Ma. Cristina Viceral dahil nga hindi biro ang kinakaharap nito sa pagsisilbi sa mga kababayan.

Aniya pa, “I have always been proud of you. Pero ngayon nakakaiyak ang pagiging proud ko sayo. Araw araw natatakot ako para sa’yo. Pero araw araw mas ipinagmamalaki kita.

“Mula pa sa pagaaral ng Medisina hanggang ngayon na Doktor ka na ay kitang kita ko ang mga pagsasakripisyo mo. Dati sabi mo ang dahilan kaya gusto mong magdoktor kasi guato mo lang alagaan ang lalamun at boses ko.

“Pero ngayon ang mundo na ang inaalagaan mo. Ang galing! Mabuhay ka! Patnubayan ka ng Diyos!

“Madlang People sya po ang Ate at kayamanan ko si Dra. Ma.Cristina B. Viceral.”

Dalawa sa celebrity friends ni Vice ang na-move sa kanyang IG post. Ito’y sina Bea Alonzo at Angel Locsin, na wala ring tigil sa pagbibigay ng tulong at suporta sa panahon ng pandemic.

Ani Bea, “@praybeytbenjamin Salamat Ma Christina Viceral sa sakripisyo mo para sa bayan.”

Si Angel naman, nagkomento ng, “Maraming salamat po.”