Viewers kinikilig sa Tagalized Thai series na “Come to Me” sa iWant

August 15, 2020
Come to Me

Na-EXCITE ang netizens na mahilig sa Tagalized Thai series sa “Come To Me” tampok sina Singto Prachaya at Ohm Payat, na ipinalabas na sa iWant kamakailan. 

Umiikot ang “Come To Me” sa malungkot na multong si Mes (Singto), na makikilala ang batang si Thun. Sa paglipas ng ilang taon, babalik si Thun (Ohm) upang iuwi si Mes sa kanyang tahanan upang tulungan ito makatawid sa kabilang buhay. Sa pangako ni Thun na hahanapin nila ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Mes, malalapit ang loob ng dalawa, at unting-unti mahuhulog para sa isa’t isa.

Habang napapanood na ang unang apat na episodes ng serye sa iWant, tuloy-tuloy rin ang mga post sa social media tungkol sa mga eksena, na kinagigiliwan dahil sa pag-dub nito sa Filipino at sa kakaibang love story nito.   

May ilang fans din na ikinatuwa ang kantang “Weed” ng former “Idol Philippines” finalist na si Miguel Odron bilang theme song sa Pilipinas ng serye.    

Abangan ang natitirang apat na episodes na mapapanood na sa Sabado (Agosto 15) sa iWant.  

Libreng mapapanood ang Tagalized version ng “Come To Me” sa iWant app (iOs at Android) o iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.