Vince Crisostomo, looking forward sa virtual date

August 18, 2020
Vince Crisostomo and Elijah Alejo

NGAYONG Huwebes (August 20), ang Prima Donnas star na si Vince Crisostomo ang celebrity searcher sa GMA Artist Center online dating game na ‘E-Date Mo Si Idol.’ 

Looking forward na ang actor at All-Out QT na makilala kung sino sa kanyang fans ang makaka-bonding niya. Ang kanyang co-star sa Prima Donnas na si Elijah Alejo ang magsisilbing host ng nasabing online dating game. 

Kung nais makasali, sabihin lang sa comments section ng Instagram post ni Vince kung bakit ikaw ang karapat-dapat niyang piliin. Mapapanood ang E-Date Mo Si Idol at 8PM sa GMA Artist Center YouTube channel at GMA Network Facebook Page.