VIVA hindi aatras laban kay Nadine

February 01, 2020

MUKHANG hindi aatrasan ng Viva ang hamon ng kampo ni Nadine Lustre na balewalain ang kanyang existing management contract with Viva Artists Agency (VAA) na may bisa pa hanggang 2029.  At kung hindi ito makukuha sa magandang usapan sa magkabilang panig, tiyak na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng legal battle sa dalawang partido.  At kapag nagkaroon ng kaso, tiyak na ipit dito si Nadine dahil hindi siya puwedeng tumanggap ng anumang trabaho without the consent ng Viva.

Ano kaya ang pumasok sa isip ni Nadine at bigla siyang nag-rebelde against Viva na siyang sumugal at nag-build-up sa kanya? May nagbuyo kaya kay Nadine na gawin ito?

Kung anuman ang pumasok sa utak ni Nadine, she better be ready for the consequences of her action.

In the meantime, tiyak na nakaabang ang netizens at ang publiko  kung saan hahantong  ang gulong pinasok ni Nadine na nasa sentro ngayon ng mga balita na sinimulan sa kanilang break-up ng ka-loveteam at dating live-in partner na si James Reid.