Vivian vs Jaclyn: Isabel sumawsaw na rin

June 21, 2020

Pinky Amador started it all.

Ito ay matapos mag-viral ang isang video na kung saan kita ang pagmumura ni Pinky sa isang front desk staff ng tinutuluyan niyang condotel. Diumano'y nagpapasok ang management ng establishment ng ilang OFWs na person under monitoring o PUMs sa Covid-19 na siyang naging dahilan ng pagwawala ng aktres. Bagaman humingi na siya ng paumanhin, hati pa rin ang reaksyon ng mga netizen sa kanyang inasal.

Maging ilang celebrities ay kinastigo rin ang kanyang paninigaw. Isa na rito si Jaclyn Jose na pagsabihan pa siyang "tanga" at "racist" sa Instagram post nito.

Hindi raw makapaniwala itong si Pinky na nagawa siyang murahin ni Jaclyn. Dahil dito, mabilis naman nag-react ang veteran actress na si Vivian Velez at ipinagtanggol si Pinky. Na binuweltahan naman ni Jaclyn sa pag-comment na "piece of sh*t" sa mismong wall ng kaibigang aktres.

Pero agad naman nag-sorry si Jaclyn kay Vivian. May nakapagsabing ‘nakainom’ daw si Jaclyn nang gawin ang pagpo-post. Ngunit 'di ito tinanggap ni Vivian. Aniya, "I do not accept your apology because you deliberately made sure that I will get hurt by your accusation and false witness about my person."

Samantala, napasali rin sa usapin ng dalawa itong si Isabel Rivas nang mag-comment naman siya sa Facebook post (of a certain Cristina Gaston) na kinakampihan niya si Jaclyn. Bwelta ni Isabel laban kay Vivian, "praning" daw ang aktres. Aniya, "daming ginawang panlalait sa akin nyan... yabang to the max!!!" (Kung  malalaman ba ng iba na si Cristina Gaston ay si Alma Moreno, masasali ba siya sa usapan?—Ed.)

Bago pa pumutok itong scandal ni Pinky, nega na ang dating ni Vivian sa film industry. Alam ng marami na supporter ni Pangulong Duterte si Vivian. Hindi nagustuhan ng marami ang kanyang opinyon at reaksyon na diumano'y kontra sa popular sentiments ng maraming mga taga-industriya. Gaya na lamang ng kanyang pag-pabor sa ABS-CBN shutdown.

Si Vivian ang kasalukuyang president ng Film Academy of the Philippines.

Matagal nang magkakakilala ang mga aktres. At aminado ang bawat isa nakilala nila ang isa't-isa - way back pa! Pero nang dahil kay Pinky, nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan.Sa isyung ito, sino ang mas credible at mas totoo sa kanila? Just asking...


Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com