VM Gian idol si Tito Sen, proud kay Mayor Vico

June 12, 2020

NEVER na in-imagine ng actor turned politician na si Gian Gamboa Sotto (42), ang kaisa-isang anak na lalake ng mag-asawang Senate President Tito Sotto at Helen Gambo na papasukin din niya ang larangan ng pulitika tulad ng kanyang lolo, amang si Tito Sen, kapatid na si Lala maging ang pinsan niyang siVico Sotto na mayor ngayon ng Pasig City.

Napagsabay noon ni Gian ang music at acting tulad ng kanyang amang si Tito Sen pero tila nasa kanilang dugo rin ang pulitika.

Gian entered politics in 2010 nang siya’y tumakbo bilang councilor ng ikat-3rd district ng Quezon City na kanyang pinagsilbihan sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.  In 2019 ay nanalo naman siya bilang vice-mayor ng Quezon City bilang ka-tandem ni Mayor Joy Belmonte.

Ang pagiging vice-mayor ng Quezon City  ay ang kauna-unahang posisyon ng kanyang amang si Tito Sen nung 1988 hanggang 1992 bago ito tumakbo sa pagka-senador ng bansa.

Hindi ikinakaila ni Gian na idol niya ang kanyang ama sa larangan ng musika at pulitika at pagiging good family man nito.

Gian himself ay may sarili na ring pamilya.  He is married to a non-showbiz girl na si Joy Woolbright at meron na silang limang anak namalapit nang maging anim dahil ipinagbubuntis ngayon ng kanyang misis ang panibagong baby boy.

Sa limang anak ngayon nina Gian at Joy na sina Hugo (15), Edrigo (13), Sancho (8), Rosanno (7) at bunsong si Amari (4), ang huli ang only girl.

Samantala, kahit only boy si Gian sa mga anak nina Tito Sen at Helen, never umano siyang na-spoiled ng kanyang parents dahil pare-pareho umano ang tingin sa kanila ng kanyang mga kapatid na sina Diorella, Romina at Ciara.

Natutuwa at proud din si Gian sa kanyang first cousin na si Mayor Vico Sotto ng Pasig na kahit bata pa sa larangan ng pulitika ay nagagampanan nito nang maayos ang trabaho.