The Voice Teens may bago na, first winner nasaan na?

February 01, 2020

MAGSISIMULA na ang The Voice Teens Season 2 ngayong February 8.

The reality talent search will take the timeslot of "Your Moment." From one talent search to another, ABS-CBN has been non-stop in discovering new talents. Hindi pa nga sumisikat ang grand winner sa isang talent search, may kapalit na kaagad, gaya na lang sa The Voice Teens.

Its first grand winner Joan Marie Soquite of Team Sarah hardly appears on Kapamilya programs. Tanging runners-up lang na sina Lala Vinzon at Jeremy Ginogan ang active sa showbiz. Pero kahit sila ay 'di pa rin sila nabibigyan ng magandang break ng network hanggang ngayon. Mukhang mauungusan pa sila ng mga paparating na bagong discoveries. Kaya hindi rin masisisi ang ibang homegrown artist na lumipat sa kabilang network dahil hindi rin sila nama-manage nang husto.

Samantala, mananatiling coach pa rin sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo. At magbabalik naman ang international rapper na si apl. de. ap bilang coach, kapalit ni Sharon Cuneta. Si Luis Manzano pa rin ang host, with Alex Gonzaga as co-host.

Samantala, bakit nga ba tila nawala na sa sirkulasyon ang first-ever grand winner ng The Voice Teens na si Joan Marie? Wala na bang balak ang network na i-manage ang kanyang career? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions, text or call 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@ yahoo.com.