The Voice Teens Philippines nairaos kahit walang TV coverage

August 17, 2020

SA kauna-unahang pagkakataon ay apat ng winners ang nanalo sa ika-second season ng “The Voice Teens Philippines” na nagkaroon ng virtual finale last Sunday  na kinunan sa kanilang respective homes including the four coaches na sina Lea Salonga, Apl.de.ap, Bamboo at Sarah Geronimo maging ang mga host ng programa na sina Luis Manzano at Alex Gonzaga.

Bawat isang team nina Coach Lea, Coach Apl.de.ap, Coach Bamboo at Coach Sarah ay may tig-iisang winner na pare-parehong nakakuha ng mataas na score at ang mga ito ay sina Cydel Gabutero, Isang Manlapaz, Heart Salvador at Kendra Aguirre.

Ang four winners ay pare-parehong tumanggap ng P500,000 cash each at tig-iisang house and lot mula sa Lessandra at iba pang premyo.

Ang first virtual presentation ng “The Voice Teens Philippines” was directed by Johnny Manahan.  Sa kabila na hindi na ito napanood sa free broadcast ng ABS-CBN dahil sa pagkakabasura ng kongreso ng franchise renewal ang major TV network, matagumpay pa rin itong napalabas sa iba’t ibang digital platform ng Kapamilya Channel na suportado ng mga advertisers.