Walong official entries sa MMSFF

March 03, 2020

INIHAYAG na ang walong opisyal na kalahok sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na magaganap simula sa Black Saturday on April 11, 2020  at magtatapos hanggang April 21, 2020.

Ang unang  walong entries sa MMSFF ay kinabibilangan ng “Isa Pang Bahaghari” na dinirek ni Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment at tinatampukan nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa.  The movie was first entered for the 2019 Metro Manila Film Festival pero hindi ito nakalusot.

Ang iba pang pitong entries ay ang “Love or Money” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Angelica Panganiban mula sa direksiyon ni Mae Cruz-Alviar under Star Cinema, ang  Philippine movie adaptation ng 2014 Korean movie na “A Hard Day” nina Dingdong Dantes at John Arcilla na dinirek ni Lawrence Fajardo under Viva Films, ang “Tagpuan” nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao mula sa panulat ni Ricky Lee at comeback movie ni Mac Alejandre under  Alternative Vision Cinema.  Nariyan din ang “The Missing” na tinatampukan nina Joseph Marco, Ritz Azul at Miles Ocampo na pinamahalaan ni Easy Ferrer under Regal Entertainment, ang “Ngayon Kaya” nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez under T-Rex Entertainment at dinirek ni Prime Crisologo, “Love The Way U Lie” nina Xian Lim, Alex Gonzaga at Kylie Verzosa.  Ito’y pinamahalaan ni RC de los Reyes at co-production ng Viva Films at Tin Can Productions. Nariyan din ang “Coming Home,” ang comeback movie ng dating senador na si Jinggoy Estrada na kanilang pinagtatambalan ni Sylvia Sanchez, a family drama na dinirek ni Adolf Alix Jr. at line production ng ALV Films for Maverick Films.

Ang kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival ay magbubukas sa araw ng Sabado de Gloria (Saturday) on April 11 at dadaan ito ng dalawang weekends pero walang holidays in between except for Black Saturday and Easter Sunday (April 12), hindi ito inaasahan na magiging kasing lakas ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) tuwing December.

Ngayon pa lamang ay may kani-kanya ng hula  kung alin sa walong pelikula ang mangunguna sa takilya at ilan naman ang mangungulelat.