''We Are the World' napapanahon, gustong ulitin ni Lionel Richie

April 03, 2020
We are the world

TAONG 1983 to 1985 nang magkaroon ng famine sa Ethiopia in Africa kung saan mahigit  1.2 million ang namatay, 400,000 ang refugees at mahigit 2.5 million ang na-displace habang mahigit 200,000 ang mga batang nawalan ng magulang.  Ito ang nagbunsod sa yumaong pop superstar na si Michael Jackson at kapwa niya singer-composer na si Lionel Richie na isulat at buuin ang charity hit song na “We Are the World” mula sa “USA for Africa” album na pinamunuan ng veteran American record producer, multi-instrumentalist, songwriter-composer, arranger and TV and film producer na si Quincy Jones.  Sa tulong ni Quincy, 43 popular artists (excluding musicians) ang nagsama-sama para i-record ang maituturing na pinakamalaking recording of all time who all shared their talents for free.  Ang nasabing awitin ay nakalikom ng mahigit $63-M na ang value ngayon ay nasa almost $150-M.

Ang mga artist na nag-participate sa recording ng “We are the World” na may solo lines  ay sina  Lionel Richie, Stevie Wonder, Paul Simon, Kenny Rogers, James Ingram, Tina Turner, Billy Joel, Michael Jackson, Dian Ross, Dione Warwick, Willie Nelson, Al Jarreau, Bruce Springsteen, Kenny Loggins, Steve Perry, Daryl Oates, Huey Lewis, Cyndi Lauper, Kim Karnes, Bob Dylan at Ray Charles.  Ang iba pang artists na sumali sa chorus ay sina Dan Aykrod, Harry Belafonte, Lindsey Buckingham, Mario Cipolina, Johnny Colla, Sheila E., Bob Geldof, Bib Gibson, Chris Hayes, Sean Hopper, ang mga kapatid ni Michael Jackson na sina Jackie Jackson, La Toya Jackson, Marlon Jackson, Randy Jackson at Tito Jackson, Waylon Jennings, Bette Milder, John Oates, Jeffrey Osborne, The Pointer Sisters at Smokey Robinson.

The same song was re-recorded ng ibang set of artists in 2010 matapos ang magnitude 7 earthquate in Haiti.    

Nito lamang nakaraang buwan (March) ay nagpakita ng interest ang singer-songwriter na si Lionel Richie na muling i-record ang nasabing awitin para makalikom ng pondo dahil sa pananalasa sa buong mundo ng coronavirus (Covid-19) na meron nang mahigit 50,000 deaths (all over the world) with more than 1 million cases.

Although may 31 years old na ang awiting “We are the World,” napapanahon din ngayon ang mensahe at bawat letra  ng nasabing awitin.

Samantala, out of almost fifty artists na nag-participate sa recording ng “We are the World” in 1985, anim sa mga ito ay pumanaw na tulad nina Ray Charles, Michael Jackson, Al Jarreau, James Ingram at Kenny Rogers.