Wendell, Katrina umuwi muna sa kanya-kanyang pamilya

August 18, 2020
Wendell Ramos and Katrina Halili
Wendell Ramos and Katrina Halili

HABANG hindi pa bumabalik sa taping ang cast ng ‘Prima Donnas,’ abala muna sina Katrina Halili at Wendell Ramos sa kani-kanilang pamilya ngayong quarantine.

Nilulubos daw ni Katrina ang kanyang panahon sa bahay para gabayan ang kanyang unica hija na si Katie Lawrence. 

Aniya, gusto raw niya na lumaki ang anak na marunong sa buhay. “Natuturuan ko siya at nakakatulong siya sa akin dito… Nauutusan ko siya. Tini-train ko siya, kasi ayaw ko siyang lumaking señorita.”

Si Wendell naman ay abala rin sa pagbibigay ng oras sa kanyang anak na si Wendell Saviour at isa sa kanilang paboritong libangan ang pagwo-workout. Kamakailan din ay nagbukas ng food business si Wendell at sariling YouTube channel.

Napapanood na muli ang Prima Donnas 3:25PM, sa GMA Afternoon Prime.