Will, Vince excited sa pagbabalik

August 14, 2020
Will Ashley at Vince Crisostomo
Will Ashley at Vince Crisostomo

SOBRANG feeling excited ang Kapuso stars na sina Will Ashley at Vince Crisostomo sa pagbabalik-telebisyon ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas.

Simula Lunes (‪August 17), mapapanood muli sa telebisyon ang sinusubaybayang teleserye na talaga namang nagpaiyak, nagpakilig, nagpasaya, at nagpayanig sa ating mga hapon.  

“I feel excited about the re-airing of Prima Donnas dahil mapapasaya na naman namin ang mga tao na laging tumututok sa amin. Mas madami silang dapat abangan sa mga susunod na kabanata ng serye,” sabi ni Vince na gumaganap bilang Cedric, ang love interest ng karakter ni Jillian Ward.

Dagdag naman ni Will na gumaganap bilang Nolan, “Excited ako dahil makakapagpasaya na ulit ang cast ng show sa mga manonood na naghintay sa aming pagbabalik.”

Mapapanood ang mga bagong episodes ng Prima Donnas, simula Lunes (‪August 17), ‪3:25PM, sa GMA Network.